TV Ads: Hanguan ng mga Kagamitang Pampagtuturo sa Elementarya

Irvin P. Sto. Tomas, MA., AB.

Wednesday, January 23, 2008

KABANATA I

Naging madali ang akses sa dyaryo, radyo, telebisyon at pelikula ng masa dahil sa maunlad na teknolohiya. Maraming tao ang nainform ng mga importanteng pangyayari at naging malapit sa mga pinakaimportanteng isyu na direktang nakakaapekto sa buhay nila. Ito ang layunin ng media, marating ang malaking bilang ng tao gamit ang isang behikulong pangkomunikasyon na hatid ang enterteynment, balita, isports, edukasyon gayundin ang kultura.

Maliban sa mga impormasyong itrinatransmit ng media, naghahatid din ito ng mga mensahe na kung hindi maiproprocess nang mabuti ng receiver nito ay maaaring makapagpahamak sa kanila (Rugeria, 1996). Kabilang dito ang imoralidad, karahasan, masamang-asal at iba pang di-tanggap sa lipunan na hindi natin gustong matutunan ng mga bata.

Ayon sa Foundation for English Language Arts for Atlantic Canada o FELAAC:

“The influence of media, such as TV, film, videos, magazines, computer games, and popular music, is persuasive in the lives of students today.”


Kaya naman importanteng sa elementarya pa lang, matutunan na ng mga estudyante na gamitin nang mabuti at tama ang media resources.

Madaling makakuha ng iba’t ibang mensahe sa media ang isang bata. Sa pagbubukas ng radyo o telebisyon, pagbuklat ng dyaryo o magazin, pagsaksak ng pelikula sa DVD player o pagklik sa isang websayt, agad may mapupulot ang isang bata. Sa loob lang ng ilang segundo, maaari nyang magaya ang isang karakter sa isang sitkom, makanta ang isang advertising jingle o makapagbigay ng iba pang halimbawa ng matututunan mula rito.

Para sa Media Awareness Network, ang telebisyon ang isa sa mga pinaka-makapangyarihang midiyum na nakakaapekto sa buhay ng mga bata. Nakadepende sa sumusunod na factors ang laki ng epekto ng telebisyon: 1) kung gaano sila nanonood, 2) ang kanilang edad at personalidad, 3) kung mag-isa silang nanonood o may kasamang nakakatanda, at 4) kung kinakausap sila ng kanilang mga magulang tungkol sa kanilang napapanood.

Ang pagkakalunsad ng telebisyon, para kay Pocock (1980), ay makabuluhang nagmulat sa mabilis na pag-unawa sa karamihan na nasa makabagong henerasyon. Para naman sa namayapang brodkaster at dating presidente ng Columbia Broadcasting System News na si Fred Friendly sa lektsur ni Francisco (2006), gustuhin man natin o hindi, ito ay ang pinaka-makapangyarihang educational force na alam ng tao.

Pinagdedebatehan man ng mga saykolojist ang impluwensya nito bilang taga-bantay at taga-aliw ng mga bata, ang kapangyarihan nito ay kinikilala at hinahanap-hanap ng mga advertizer at pulitiko. Sa report ng AGB Nielsen Media Research noong 2007, tatlong oras at 36 minuto ang averij ng pagtutok sa telebisyon ng mga batang may edad 2 hanggang 12 taon sa Pilipinas noong 2006. Pumapangalawa ito sa housewives na may edad 40 taon pataas, ang mga sa pinakamatagal na tumutok sa telebisyon sa taong iyon. Samantala, sa report ng Philippine Daily Inquirer noong nakaraang mid-term elections, gumasta ang mga pulitiko, karamihan tumatakbong senador, ng 70% ng regular TV ads rate na P301,133 sa ABS-CBN at P252,000 sa GMA para sa isang 30 segundong political ad sa praymtaym. Kinonfirm nito ang kapangyarihan ng media.

Bahagi na ng mga panoorin ang mga advertisment na naglalaman ng iba’t ibang mensahe na ang pangunahing layunin ay makapag-motivate sa mga manonood upang bumili ng produktong inaalok dito. Ayon kay Arcilla (2007), ang Pilipinas ang may pinakamahabang advertisement load kada oras ng TV programming sa buong mundo na umaabot sa 20 minuto laban sa 16 minutong averij ng United States, at 12 minutong averij naman sa Asya at Europa.

Maituturing na isang literatura ang mga pantelebisyong advertisment dahil narereflect sa mga ito ang mga karanasan o “napagmasdang dula ng buhay” ng manunulat at ng mga bumuo nito, at ang mga nangyayari sa lipunan. Humuhubog ito sa kamalayan, nag-iimpluwensya sa pag-iisip at nagdadala ng pagbabago sa lipunan upang ganap na maunawaan ang mga nagaganap sa kanilang kapaligiran.

Ang pagkatuto at pagtuturo para kay Adeyanju (2003), ay ang konsern ng isang mahusay na titser subalit ang pagkatuto ay isang masalimuot na proseso. Ayon sa kanya:

“Learning can occur as a result of newly acquired skill, knowledge, perception, facts, principles, new information at hand etc. Learning can be reinforced with learning aids of different variety because they stimulate, motivate as well as arrest learner's attention for a while during the instructional process.”


Mapapataas ang bisa ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto simula elementarya hanggang graduate level sa pamamagitan ng tamang paggamit ng mga kagamitan. Iklinasifay ni Bucu at mga kasama (1994) ang mga kagamitang sa pagtuturo bilang: mga nakaprint na babasahin, audio at visual aid, demonstrations, community resources, mga laboratoryong pangwika, nakaprogramang instruksyon at mga kompyuter.

Simula umaga hanggang gabi, araw-araw na makikita sa lokal at nasyunal na telebisyon ang mga advertisment na gawang Pilipino. Ang mga ito ay nagpapahayag ng iba’t ibang kaisipan na maaaring hanguan ng mga kagamitang pampagtuturo. Sa panahon ng pamamayagpag ng teknolohiya, malaki ang maitutulong nito sa mabilis na pagkatuto at pagkaunawa ng mga estudyante maging sa pagkakaroon ng karagdagang kagamitang pampagtuturo sa mga guro. Malaki ang magagawa ng paggamit ng mga kaisipang ipinapahayag sa mga pantelebisyong advertisment sa pagpapahalaga ng mga bata sa kanilang asal, pamumuhay, kalusugan at kapaligiran, at sa paglinang ng krieytiviti at pagkamaparaang magamit ang mga ito sa mga leksyon ng mga titser.

Ito ang nagtulak sa risertser na ianalayz at pahalagahan upang magamit sa pagtuturo ng Makabayan 6 sa elementarya ang dalawampung (20) mga pantelebisyong advertisment.


Paglalahad ng Suliranin

Nilayon ng pag-aaral na matukoy ang mga kaisipang nakapaloob sa mga advertisment sa nasyunal na telebisyon na magagamit bilang kagamitang pampagtuturo sa Makabayan 6, University of Nueva Caceres Elementary Laboratory, TP 2007-2008.

Nilayon ding masagot ang mga sumusunod na espesipikong katanungan:
1. Anu-ano ang mga nakolekta na pantelebisyong advertisment na nauukol sa mga kaisipang pangkaasalan, pangkabuhayan, pangkalusugan at pangkapaligiran?
2. Ano ang kahulugang literal at figyurativ na nakapaloob sa bawat advertisment?
3. Anu-ano ang mga banghay-aralin sa Makabayan 6 ang mabubuo gamit ang mga advertisment?
4. Gaano kahusay ang binuong mga banghay-aralin batay sa mga sumusunod na kraytirya: layunin, integrasyon, mga gawain, mga tanong at TV ad(s) na ginamit?

Saklaw at Delimitasyon

Ginamit sa pag-aaral na ito ang dalawampung (20) pantelebisyong advertisment na tiglilima sa bawat kaisipan. Ang mga ginamit na advertisment ay ipinalabas mula 6:00 hanggang 10:30 ng gabi sa mga nasyunal na telebisyon ng bansa: ABS-CBN 2, GMA 7 at ABC 5. Gumagamit ng wikang Filipino, English, Taglish, vernakyular o kombinasyon ng alin man sa mga nabanggit na wika sa mga dayalog, kapsyon at advertising jingle ang mga advertisment. Ang mga piniling mga advertisment ay kumatawan sa anumang produkto, lokal man o banyaga.

Ang mga hinangong advertisment ay ipinalabas sa loob ng taong 2007 hanggang sa kasalukuyan upang napapanahon at alam ng mga susuri ng nabuong kagamitang pampagtuturo. Hindi saklaw ng pag-aaral ang mga advertisment na bagamat ipinalabas sa Pilipinas ay di-gawang Pilipino dahil sa kaibahan ng seting nito sa mga advertisment na ipinalalabas sa buong bansa.


Disenyo ng Pananaliksik

Ginamit ng risertser ang dokyumentari analisis sa pagsusuri ng mga nakolektang pantelebisyong advertisment. Gumamit sya ng dalawampung (20) advertisment na ipinalabas sa nasyunal na telebisyon sa Pilipinas na iklinasifay ayon sa kaisipang nakapaloob sa bawat advertisment. Tinukoy ang kahulugang literal at figyurativ na nakapaloob sa bawat advertisment sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng lantad na katotohanang nakikita at nadidinig dito, at pag-iinterpret at pag-uungkat ng mga nakatagong kahulugan nito. Gamit ang prototype lesson plans bilang gabay, naging krieytiv ang risertser sa pagbuo ng labing anim (16) na banghay-aralin sa Makabayan 6 gamit ang mga kaisipan at kahulugang natagpuan sa TV ads. Sinikap nyang maging integrativ sa dalawa hanggang tatlong sabjikts ang bawat leksyon.

Nagkaroon ng jurors na tumaya ng kahusayan ng binuong mga banghay-aralin. Binuo ito ng labing dalawang (12) titsers sa pampuliko at pribadong eskwelahan sa Naga City at Camarines Sur. Sa layuning matiyak na kwalifayd ang jurors na tayain ang binuong mga bahay-aralin, sinuri ang kanilang educational qualification at karanasan. Ihinanda evaluation sheet o ang papel para sa pagtataya ng mga banghay-aralin na kinapapalooban ng kraytirya sa layunin, integrasyon, mga gawain, mga tanong at ginamit na TV ad(s).

Ilang kagamitang istatistiks ang ginamit sa riserts. Ito ang paaverij na teknik at katamtamang bigat o averij ng weighted mean. Ginamit ang paaverij na teknik sa profayl ng jurors na sumukat ng kahusayan ng mga binuong banghay-aralin. Ang katamtamang bigat o averij ng weighted mean ay ginamit sa pagsukat ng ebalwasyon sa bawat kraytiryon. Ginamit ang iskeyl kung saan ang 4 ay para sa Napakahusay, 3 para sa Mahusay, 2 para sa Medyo Mahusay at 1 para sa Hindi Mahusay. Ginamit din ang ranking upang alamin kung aling banghay-aralin at kraytiryon ang nauuna at nahuhuli o ang wastong pagkakasunod-sunod ng preferens ng jurors.

Balangkas Teoretikal

Ikinonsider ang ilang theory upang magsilbing batayan ng pag-aaral.

Sa Social Learning Theory ni Bandura, ayon kay Omrod (1999) binibigyang diing natututo ang tao sa kapwa sa pamamagitan ng direkta o di-direktang pag-oobserba at paggaya sa ang anumang napapagmasdan. Maaaring makuha ang anumang nakikita at naririnig sa panonood ng telebisyon. Puno ng positibo at negatibong mensahe ang mga advertisement na maaaring gayahin ng mga bata. Sa patnubay ng titser at sa paggamit ng mga ito sa pagtuturo, magiging makabuluhan ang mga maiikli subalit maiimpluwensyang advertisements.

Ayon sa Informational Social Influence Theory ni Cialdini (Syque, 2007), kinokopya ng isang tao ang iba kapag hindi nya alam kung papaano kumilos nang tama. Ginagawa niya ito ayon sa pinanggagaligan ng impormasyon sa pagpapalagay na alam nila ang kanilang ginagawa. Kapag naniniwala ang isang tao na ito ay tama, nangyayari ang private acceptance na maaaring tuluyang bumago sa paniniwala, ugali at kilos nya. Nangyayari naman ang public compliance kapag kinokopya ng isang tao ang iba dahil sa takot ng panunuya o di-pagtanggap ng iba kung kikilos ng iba. Gumagamit ng mga silebriti at di-silebriti bilang endorser o karakter sa mga advertisement na ikinokonsider na mas “nakakaalam” ng kung ano ang tama.

Binanggit ni Davis at kasama (1995) na sa Mastery Learning ni Bloom, ang lubusang pagkatuto ng mga estudyante sa mga araling itinuturo ay may kaugnayan sa mabuting kondisyon sa pagkatuto at sa kalidad ng pagtuturo. Napapataas din nito ang attitude at interest ng mga estudyante. Magbibigay ng interesting at kakaibang experience sa mga estudyante ang paggamit ng mga advertisement sa pagtuturo sa tulong ng isang mahusay na titser.

Sa Operant Conditioning ni Skinner, ayon kay Huitt at kasama (1997), ang hayop kasama na ang tao ay maaaring kontrolin upang kumilos nang maayos. Ang isang organismo, tao o hayop, ay kikilos nang maayos upang tumanggap ng gratipikasyon na nasa iba’t ibang anyo tulad ng pagkain, pagkilala, pagpuri at iba pa. Ang susi ng operant na pagkokondisyon na ito ay ang tamang reward matapos na kagaad na maipakita ng estudyante ang inaasahang tamang gawi. Ang tamang gawi ay anumang gawing itinaya ng titser na karaniwang magkaugnayan sa pagkatuto ng anumang material o ng tamang ugali sa loob ng klase. Sinasabi pa rin ni Skinner na ang gantimpala ay nagpapatibay sa pagkatuto ng mag-aaral. Atensyon, pagpapuri, marka o kahit kendi ang karaniwang pang-reinforce. Samakatuwid, mamomotivate ang mga estudyante na kusang sumagot o sumali sa discussions sa tulong ng reinforcers na ito.

Makikita sa susunod na pahina ang modelong teoretikal.










































Figyur 1. Modelong teoretikal

Balangkas Konseptwal

Ang mga kaisipang nakapaloob sa mga nalikom na advertisement sa nasyunal na telebisyon ay magagamit na mga kagamitang pampagtuturo.

Ang kahulugang literal at figurative na nakapaloob sa mga advertisement ay ang lantad na katotohanang makikita rito at mga kahulugang nakatago o “nagtatago”. Nauukol sa mga kaisipang pangkapaligiran, pangkaasalan, pangkalusugan at pangkabuhayan ang mga advertisement.

Ang mga pantelebisyong advertisement ay pinili upang katawanin ang mga advertisement na gawang Pilipino, nasa wikang Filipino, English, Taglish, vernacular o kombenasyon ng alin man sa mga nabanggit na wika, at ipinalabas sa primetime sa taong 2007 sa nasyunal ba telebisyon sa Pilipinas. Gumagamit ang mg ito ng wika, karikatura, kulay at tunog na puno ng iba’t ibang diwang literal at figurative buhat sa karanasan ng mga sumulat at bumuo ng advertisement.

Magagamit sa pagtuturo ng Makabayan 6 ang mga advertisement matapos ang ibayong pagsusuri sa mga ito. Malaking maitutulong nito sa mga bata upang maunawaan at maging kawili-wili ang mga leksyon.




TV Ads: Hanguan ng mga Kagamitang
Pampagtuturo sa Elementarya

University of Nueva Caceres
Laboratory Highschool
T/P 2007-2008























Figure 2. Modelong konseptwal na nagpapakita ng
daloy at relationship ng mga variable

Katuturan ng Talakay

Eksperto. Sa pag-aaral na ito, ito ay ang kalipunan sampung (10) titser sa Makabayan mula sa Naga City at Camarines Sur, Taong Panuruan 2007-2008.

Figure of speech. “Tayutay” sa Tagalog na tumutukoy lamang sa matalinghaga at imaginative na paggamit ng mga salita sa pagkukumpara at pagbibigay-diin, ito rin ay ang decorative na paggamit ng mga salita sa pagdaragdag ng style.

Hanguan ng kagamitang pampagtuturo. Sa pag-aaral na ito, ito ay banghay-aralin sa Makabayan VI na maaaring gamitan ang mga pantelebisyong advertisement.

Kagamitang pampagtuturo. Ito ay ang anumang karanasan o bagay na ginagamit ng guro bilang pantulong sa paghahatid ng mga katotohanan, kasanayan, saloobin, kaalaman, palagay, pag-unawa at pagpapahalaga sa mga mag-aaral upang lalong maging kongkreto, tunay, daynamik at ganap ang pagkatuto. (Abad at mga kasama, 1996)

Kahulugang figurative. Ito ay tumutukoy sa mga nakatago at “nagtatagong” kahulugan sa TV ads.

Kahulugang literal. Ito ang nakikita at naririnig na mga elemento sa mga pantelebisyong advertisement.

Kaisipan. Tumutukoy ito sa kaisipang pangkapaligiran, pangkaasalan, pangkalusugan at pangkabuhayan na makikita sa mga nalikom na mga advertisement.

Kaisipang pangkaasalan. Ito ay tumutukoy sa mga kaisipang nagpapahayag ng mga kinaugaliang wastong pagkilos sa pakikipag-ugnayan sa kapwa. Tumutukoy pa rin ito sa iba’t ibang aspeto ng isang tao batay sa mga ikinikilos ng isang indibidwal.

Kaisipang pangkabuhayan. Tumutukoy ito sa mga kaisipang nagpapahayag ng potensyal ng tao na umunlad at mamahala ng mga bagay na may kaugnayan sa kabuhayan.

Kaisipang pangkapaligiran. Ito ay tumutukoy sa maayos na pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapaligiran at pagpapahalaga ng tao sa kagandahan ng kalikasan.

Kaisipang pangkalusugan. Tumutukoy ito sa mga kaisipang may kaugnayan sa katangiang pisikal, mental at emosyunal ng tao.

Media. Ito ay tumutukoy sa iba’t ibang behikulong pangkomunikasyon tulad ng telebisyon, radyo, magazine, video, pelikula, computer, cellphone at iba pa. Tumutukoy din ito sa mga ahensyang nagrereport ng mga balita.

Slang. “Balbal” sa Tagalog na tumutukoy lamang sa mga salitang ginagamit ng taong hindi nakapag-aral, ito ay ang mga salitang ginagamit ng isang partikular na grupo tulad ng taong hindi nakapag-aral, mga young professional, mga bakla, mga elitista atbp.

TV Ads. Tinatawag ding komersyal, palatastas o pantelebisyong advertisement, ito ay isang porma ng advertizing na nagpropromote ng produkto o serbisyo gamit ang telebisyon bilang medium.

TV Ads na gawang Pilipino. Tumutukoy ito sa mga pantelebisyong advertisement na ipinaproduce ng Pilipinong advertizer, prinoduce ng Pilipinong ahensya, o dinirek o inedit ng isang Pilipino; at/o nagpropromote ng Pilipinong produkto.

Produkto. Ito ay ang produktong ibinebenta o serbisyong inooffer sa isang pantelebisyong advertisement.

Psychology sa advertisement. Ito ay ang mga nakikita at naririnig sa mga advertisement na nakakaimpluwensya sa subconscious mind at emosyon ng isang tao sa pamamagitan ng pagpapahiwatig na makakamit ang isang subconscious desire kung susundin ang iminunungkahi ng advertisement, ang pagtangkilik sa produkto o serbisyo (Taflinger, 1996).


Talababa

Adonis L. Rugeria, Media Exposure, Knowledge and Attitudes related to Media of Teachers of Catholic Elementary and Secondary Schools in Naga City, Ateneo de Manila University, 1996

__________Media Education in Canada: An Overview, Media Awareness Network
http://www.media-awareness.ca/english/teachers/media_education/media_education_overview.cfm(Binuksan noong February 20, 2007)

D. C. D. Pocock, Sight and Knowledge, University of Durham, United Kingdom, 1980 http://links.jstor.org/sici?sici=0020-2754%281981%292%3A6%3A4%3C385%3ASAK%3E2.0.CO%3B2-P&size=LARGE#abstract (Binuksan noong February 22, 2007)

Christian George C. Francisco, Ang Papel ng Televisyon sa Pagtuturo ng Walong Dagdag na Letra Ayon sa 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino, De La Salle University-Dasmariñas, 2006 http://www.ptechs.org/ptechs2006/Presentation/CFrancisco.pdf (Binuksan noong April 12, 2007)

AGB Nielsen Media Research, AGB Nielsen Media Research releases 2006 Mega Manila TV viewing habits, 2007 http://agbnielsen.net/whereweare/localnews.asp?id=238&country=Philippines&newstype=L&mode=full&language=english (Binuksan noong January 1, 2008)

Philippine Daily Inquirer, ABS-CBN: More money by ‘simple arithmetic’ http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view_article.php?article_id=52900 (Binuksan noong January 18, 2008)

Philippine Daily Inquirer, GMA Network to earn P500M from candidates http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view_article.php?article_id=52899 (Binuksan noong January 18, 2008)

Willy E. Arcilla, Philippines has world’s heaviest ad loads, Philippine Daily Inquirer, 2007
http://business.inquirer.net/money/features/view_article.php?article_id=103944 (Binuksan noong January 6, 2008)

Virgilio J. Adeyanju, Teachers Perception of the Effects and Use of Learning Aids in Teaching: a Case Study of Winneba Basic and Secondary Schools, Faculty of Education, Institute of Education, Obafemi Awolowo University, Nigeria, 2003
http://ultibase.rmit.edu.au/Articles/nov03/adeyanju1.htm (Binuksan noong April 12, 2007)

Luz C. Bucu at mga kasama, College Teaching in the Philippines, Rex Book Store Manila 1994

J.E. Ormrod, Human learning (3rd ed.), Upper Saddle River, NJ: Prentice-Hall, 1999
http://www.psy.pdx.edu/PsiCafe/KeyTheorists/Bandura.htm#Research (Binuksan noong December 29, 2007)

___________, Informational Social Influence, Changing Minds, Syque Website http://changingminds.org/explanations/theories/informational_social_influence.htm (Binuksan noong December 29, 2007)


Denese Davis at Jackie Sorrell, Mastery learning in public schools. Isang papel para sa PSY 702: Conditions of Learning, Valdosta State University, 1995 http://chiron.valdosta.edu/whuitt/files/mastlear.html (Binuksan noong December 29, 2007)

W. Huitt at J. Hummel, An introduction to operant (instrumental) conditioning. Educational Psychology Interactive. Valdosta, GA: Valdosta State University, 1997 http://chiron.valdosta.edu/whuitt/col/behsys/operant.html (Binuksan noong December 29, 2007)

Allan C. Orstein, Strategies for Effective Teaching, Harpen Collins Publisher, 1992

Marietta Abad at mga kasama, Paghahanda ng Kagamitang Pampagtuturo, National Book Store Manila 1996

Richard F. Taflinger, Taking ADvantage, Washington State University/Edward R. Murrow School of Communication, 1996 (Bersyon sa internet) http://www.wsu.edu:8080/~taflinge/advant.html (Binuksan noong February 20, 2007)

Tuesday, January 22, 2008

KABANATA II - Review ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Library ng graduate school ng Ateneo de Naga University at University of Nueva Caceres, at ang Internet ang pinaggalingan ng mga literatura at pag-aaral na may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral.

Mga Kaugnay na Literatura

Sa pagtuturo, ayon kay Adeyanju (2003), mahalaga ang visual aids sa lubusang pagkatuto ng mga bata. Ang mga ito ay designed materials na maaaring locally made o commercially produced. Para sa kanya:

“They come in form of wall-charts illustrated pictures, pictorial materials and other two dimensional objects. There are also audio-visual aids. These are teaching machines like radio, television, and all sorts of projectors with sound attributes.”

Maaari ring magsilbing audio-visual aids ang mga pantelebisyong advertisement. Madali at libre itong makukuha dahil araw-araw itong makikita sa telebisyon. Dahil advertisement ang bumubuhay sa mga palabas, habang tinatangkilik ng tao ang mga programa sa telebisyon ay patuloy ang pagbuo ng mga ito ng mga advertizer. Makukuha rin ang mga nirecord na advertisement sa mga video-sharing website tulad ng Youtube.com.

Ayon sa Republic Act No. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines, ipinagbabawal ang pagdisplay ng isang original na gawa o kopya nito tulad ng mga pantelebisyong advertisement maliban kung gagamitin sa pagtuturo. Kinakailangan lang na banggitin ang source at pangalan ng may-ari kung makikita o binabanggit ito rito.

Ang kagamitan sa pagtuturo, ayon kay Liwanag (1995), ay isa sa mga factor sa mabisang pagkatuto ng mga estudyante. Nakabase ang mga paghahanda ng mga kagamitan sa pagtuturo sa iba’t ibang batayan sa pananaw na sosyo-kultural. Sa paghahanda ng kagamitang pampagtuturo dapat isaalang-alang ang mga gamit nito gayundin ang objective, panahon at istilo ng mga wikang gagamitin. Dapat ding ikonsider ang pangkaisipan pananaw na binibigyang pansin ang pagkakaiba ng estudyante sa paraan ng pagkatuto at humanistikong pananaw na ang objective ay lubusang malinang ang buong katauhan ng mga mag-aaral. Sa pagbubuo ng mga kagamitang pampagtuturo sa pag-aaral na ito, isinaalang-alang ng risertser ang mga nabanggit.

Payo ni Gabuyo (1998) sa paghahanda ng kagamitang pampagtuturo, alamin ang characteristics at pangangailangan ng estudyante, tiyakin ang objective, balangkasin ang nilalaman, at planuhin ang suportang kakailanganin. Isaalang-alang ang mga materyal na paghahanguan. Sa pagsusulat, ihanay nang maayos ang mga ideya, pag-isipan at simulang buuin ang mga gawain at feedback, humanap ng mga halimbawa at umisip ng mga graphics. Naaangkop ang paggamit ng audio-visual materials sa napiling lugar ng pag-aaral ng risertser. Bilang isang laboratory elementary school, ang University of Nueva Caceres ay inaasahang may pasilidad para sa pagtuturong ginagamitan ng teknolohiya samantalang ang mga estudyante sanay iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo kabilang na ang makabagong pamamaraan.

Ayon kay Transona (2002), walang kagamitang panturo ang maipapalit sa isang mabuting titser ngunit isang katotohanang hindi maitatanggi na ang mabuting titser ay gumagamit ng mga kagamitang pampagtuturo tungo sa mabisang pagkatuto ng mga estudyante. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, marerealize ng mga titser na maraming mapagkukunan ng mga kagamitan sa pagtuturo. Kilangan lang na maging observant at creative.

Tinalakay ni Aquino at Razon (1998) sa kanilang aklat ang qualification ng isang mahusay na titser. Ayon sa kanila, matatawag na mahusay ang guro kung nagtataglay sya ng sariling kakayahan at katalinuhan, matapat sa pakikitungo sa kanyang kapwa titser at iginagalang ang karapatan ng bawat estudyante. Kailangan ding may alam sya sa principles ng mabuting pagkatuto tulad ng paggamit ng angkop na pamamaraan sa pagtuturo, motivation, paggawa ng lesson plan, kasanayan sa pagtataya at integration. Maaaring magamit sa lahat ng bahagi ng klase ang mga advertisement simula motivation hanggang sa pagbibigay ng assignment kung nagtataglay sya ng mga qualification na binanggit.

Ang pagkatuto para kay Panambo (1997) ay ang pinakamahalagang proseso ng pagtuturo at pag-aaral. Ang pagkatuto ng mga estudyante ay nakasalalay sa mabuting paraan ng pagtuturo ng isang titser. Ang titser ang nagpaplano at nagdedecide sa pamaraang kaniyang gagamitin na angkop sa bunga ng pagkatuto na nais nyang makamtan ng mga estudyante, angkop sa sitwasyon, angkop sa kakayahan ng mga estudyante at gayundin sa uri ng paksang-aralin at subject na kanyang ituturo.

Ayon kay Espiritu sa lecture ni Francisco (2006) sa “Ang Papel ng Televisyon sa Pagtuturo ng Walong Dagdag na Letra Ayon sa 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino” binanggit nya na wika ang gamit ng titser sa pagpapaunawa ng nilalaman ng kurso at wika ang gamit ng estudyante upang ipakita ang kanyang pag-unawa at ipahayag ang kanyang iniisip at niloloob. Samaktuwid, mahalagang konsiderasyon ang wika sa pagtuturo gayundin sa pagkatuto.

Payo ni Lumbera (2005) sa mga manunulat sa interview sa kanya ng Pinoy Weekly Online na importanteng kilalanin ng isang writer na namumuhay sya sa ganitong lipunan at kung hindi man sya kumilos para baguhin ang lipunan na iyon, huwag maging hadlang sa pagkilos ng ibang tao. Lagi’t lagi, kilalanin ang kanyang kaugnayan sa buhay ng lipunang kanyang kinabibilangan. Ayon sa kanya:

“Sa ganoong paraan, ang kanyang mga tula, kuwento, dula ay uungkat sa mga nangyayari sa ating lipunan at ’yong kanyang audience na bumabasa sa kanyang mga tula o nanonood ng kanyang dula ay mabigyan niya ng kamalayan na siya ay bahagi ng lipunang inilalarawan sa akda. Sa ganoong paraan ang manunulat ay hindi magiging kuntento na lamang sa paggamit sa wika ayon sa personal niyang kagustuhan.”

Ang nilalaman ng mga advertisement ay buhat sa karanasan ng mga sumulat at bumuo ng mga ito kung kaya’t kababakasan ng iba’t ibang kaisipan.

Sa 192 mga Pilipinong advertisement pantelebisyong sinorvey ni Thompson (2003), ang isandaan at walo (108) ay gumamit ng English “E”, apatnaput isa (41) ay Tagalog na may mga English na salita at phrase “T(E)”, dalawamput dalawa (22) ay Tagalog “T”, at dalawamput isa (21) ay English na may mga Tagalog na salita at phrase “E(T)”. Gumagamit ng wika ang pantelebisyong advertisement. Karamihan sa mga ito ay hindi gumagamit ng purong Tagalog, Filipino o English kung kaya’t hindi ito kasama sa delimitasyon sa pag-aaral.

May labin-limang atraksyon sa mga advertisement na tinawag ni Jif Fowles na “imbentaryo ng motibo ng tao” ayon kay Austero (1999). Ang psychology o mga atraksyon sa mga advertisement ay mga pangangailangan: sa sex, pagsasamahan, pagmamahal o pag-aalaga, ng patnubay, seguridad, aesthetic sensation, curiosity, pangangailangan na biological, makapantay o makalevel ang isang tao, makatakas, magpatnubay, mangibabaw, kumuha ng atensyon, maging prominente at autonomous. Samantala, sa libro ng “Taking ADvantage” ni Taflinger (1996), binanggit nyang may sampung psychological appeal na ginagamit sa advertizing upang makapagmotivate sa mga mamimili: self-preservation, sex, acquisition of property, self-esteem, personally enjoyment, constructiveness, destructiveness, curiosity, imitation at altruism. Bukod sa literal, mga nakatagong at “nagtatagong” kahulugan sa mga advertisement ang sinubukang gamitin sa pagtuturo ng Makabayan 6.

Para kina Gresko at mga kasama (1996), matagal nang ginagamit ang psychology sa advertizing bilang effective na pamamaraan sa pagbebenta ng isang produkto o serbisyo. Ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto na nakakaapekto sa sikolohiya ng tao ay makakatulong sa isang kompanya na makabenta ng kanilang produkto o hindi kaya ay makakatulong sa isang konsyumer upang maunawaan ang mga marketing strategy na nakakahimok sa kanilang bumili ng mga produkto. Mahalagang makuha ang atensyon ng konsyumer at ito ay sa pamamagitan ng pag-apela sa emosyon. Kung nagagawang mahimok ng mga advertisement ang mga manonood ay magagawa rin ito ng mga titser sa kanyang mga estudyante upang matuto.

Alinsunod sa R.A. 8370 o Children’s Television Act of 1997, ang National Council for Children’s Television (NCCT) ang magmomonitor, magrereview at magkaclassify ng mga pambatang programa sa telebisyon at mga advertisement na ipinalalabas sa mga oras na maraming bata ang nanonood. Sa katuturan nito, ang “children” ay tumutukoy sa lahat ng tao na wala pang labin-walong (18) gulang. Mababasa sa Section 2, ang Declaration of Policy, na kinikilala ng estado ang kahalagahan at impact ng brodcast media partikular ang mga programa sa telebisyon kaugnay sa pagpapalaganap ng values at intelektwal na pag-unlad ng mga kabataan bilang bahagi na rin ng suporta at pangangalaga sa kanilang interes. Sa mga dahilang ito masasabi ng risertser na hindi ikapagpapahamak ng mga estudyante ang paggamit sa mga ito sa eskwela bilang kagamitang pampagtuturo.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Sa pag-aaral ni Gastello (1999), sinuri at inalam sa lipunan sa panahong iyon ang 96 na mga comicstrip na ‘Pugad Baboy’ ni Pol Medina Jr. na araw-araw na nailathala sa dyaryong The Philippine Daily Inquirer. Batay sa isinagawang pag-aaral, ang paggamit ng mga figure of speech ay mabisang paraan sa paglalahad at pagpapasigla ng isang writer upang mapukaw ang kawilihan ng mambabasa. Ang mga slang o balbal na salita na komon na ginagamit ngayon lalo na ng mga kabataan at maging ang mga komon na tao ay isang paraan upang maging realistic ang dialogue o usapan sa comicstrip. Ayon sa kanya, ang mga comisctrip na ito ay may kahalagahan sa pagprepare sa mataas na level ng edukasyon. Tulad ng comicstrip, gumagamit ng figure of speech, play of words, sari-saring karikatura, kulay, tunog, at iba’t ibang diwa, ang mga advertisement kaya’t mabisang nailalahad ang mga kaisipan at kawili-wiling panoorin. Magagamit din ito sa pagtuturo.

Sinuri at pinahalagahan ni Fortuno (1998) ang mga piling sanaysay ni Bella Angeles Abayan na pinamagatang “Maganda ang Buhay” na inilathala at linguhang lumalabas sa pambansang pahayagang Balita, mula Enero ng taong 1996 hanggang Disyembre taong 1997. Sa isinagawang pag-aaral, lumabas na ang apanapu’t walong (48) sanaysay ay naglalarawan ng mga paksang patungkol sa intelektwal, sosyal at panlipunan, moral at ispiritwal na nagbibigay tuon sa kahalagahan ng karunungan, pag-aaral, determinasyon sa buhay, pag-ibig sa sarili, kapwa at bayan, pagtupad sa tungkulin at paniniwala sa Diyos. Ang 48 sanaysay ay nagtataglay ng mga pagpapahalagang nakapaloob sa DECS CORE VALUES na binibigyang-diin ang pagpapahalagang panlipunan, pagpapahalagang pang-ekonomiya, pagmamahal, katotohanan at pananampalataya. Ang mga pantelebisyong advertisement ay naglalaman ng iba’t ibang kaisipan tungkol sa kapaligiran, kabuhayan, kalusugan at kaasalan na ipinahahayag sa iba’t ibang paraan tulad paglalahad ng istorya. Ang mga advertisement na naglalaman ng mga kaisipang pangkaasalan ay maaaring magamit sa patuturo ng Edukasyong Pagpapahalaga, isa sa mga subject na bumubuo sa Makabayan.

Inalam ni Lopez (2001) sa kanyang pag-aaral ang kahalagahan ng pahayagan bilang instrumento ng pag-unawa ng katarungang panlipunan. Batay sa kinalabasan, ang mga katarungang pambata ay mga karapatang para mabuhay, edukasyon, maayos na pamumuhay, pagtangkilik ng sariling pamilya at proteksyon laban sa pag-aabuso; sa katarungang pangkababaihan ay paghawak ng katungkulan, dangal at reputasyon at proteksyong sekswal; sa katarungang pangmagagawa ay maayos na paglilitis, tamang pasahod at pagtanggap ng benifit sa pinagtratrabahuhan. Ang mga dimensyong sosyal ay wastong paggamit at paggalang sa mga nabanggit na katarungan: pagpapahalaga sa karangalan, pantay-pantay na karapatan at pananagutan at katungkulan dapat gampanan. May mga isyung tinatalakay sa mga advertisement na tulad ng kabuhayan at kapaligiran na maaaring magamit sa pagtuturo ng HEKASI at iba pa.

Si Mallapre (2004) ay gumawa ng pag-aaral tungkol sa “Mga Nobelang Popular: Salamin ng mga Pagpapahalaga.” Sinuri at binigyang pagpapahalaga ang labin-limang nobelang popular na naipalabas sa ABS-CBN taong 1999-2000 sa pamamahala ni Charo Santos. Batay sa ininagawang pag-aaral, ang mga paksang-diwang nilahad ay pagsisikap na maiangat ang buhay na may sab-tapik na: pagsusumikap at pagtitiyaga, pag-asa sa kapalaran, pagsalig sa kapwa; pagkamatatag na may sab-tapik na: pagkamatatag sa pagharap sa problema sa pamilya, pagkamatatag sa pagharap sa problemang kinasasangkutan ng sarili at pagkamatatag sa pagharap sa nagawang kamalian; katangian ng pag-ibig na my sab-tapik na pag-ibig na matiyaga at magandang loob, pag-ibig na mapang-unawa at hindi makasarili at pag-ibig na mapagbata at puno ng pagsasakripisyo; pagpapahalagang sosyal na may sab-tapik na: ugnayan sa pamilya, ugnayan sa kapwa at pagpapahalagang katapatan sa pag-ibig. Ang mga kakintalang nakapaloob sa mga nobela ay personal at interpersonal. May mga isyung tinatalakay sa mga advertisement na tulad ng kabuhayan at kaasalan na maaaring magamit sa pagtuturo ng HEKASI at Edukasyong Pagpapahalaga.

Sa pag-aaral nina Camaya at mga kasama (2004), natuklasang mas pinipili ng mga kabataan sa Sta. Teresita, Iriga City ang mga produkto at serbisyong iniindors ng mga silebriti kaysa sa mga produkto at serbisyong iniindors ng mga di-silebriti. Ang mga advertisement sa telebisyon ay mas napapanood ng mga rispondent tuwing primetime kaysa sa ibang oras. Natuklasan ring mas kaakit-akit sa mga kabataan ang mga advertisement na iniindors ng mga silebriti. May epekto sa paggawa ng desisyon sa pagpili ng kanilang pangunahing pangangailangan ang mga advertisement sa telebisyon. Nakatuon din sa mga pantelebisyon advertisement ang kasalukuyang pag-aaral

Sinuri ni Arenas (1995) ang 14 pelikulang Pilipino na iprinodus at ipinalabas mula 1990 hanggang 1994 at sinubukang i-identify at ianalayze ang iba’t ibang roles ng mga babaeng karakter. Natuklasang 9 sa 23 babaeng karakter ay ina o asawa ang role, 8 ay kabit o girlfriend, 3 ay anak, at 2 ay prostitute. May mga babaeng karakter na iba’t ibang ang roles sa mga advertisement. Maaaring gamitin sa pagtuturo ang mga kaisipang makukuha rito.

Natuklasan ni Alcedo (1998) batay sa isinagawang pagsusuri naipahayag ang mga kaisipang nakapaloob sa piling elemento ng nobela na patungkol sa mga kaisipang pangmakabayan, pangmakatao, pangmoral at pangkagandahang-asal at pang-intelektwal. Inilahad ang mga kaisipan at mga pagpapahalagang kaugnay sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan.

Nilayon ni Alegre (1998) na masuri at mapahalagahan ang dalawampu’t limang tula ni Tinio “A Trick of Mirrors” at maikonekt ito sa pagtuturo ng panitikan sa kolij level. Naipakita ang paggamit ng mga larawang-diwa at figure of speech sa tula ni Tinio at naikonek ang mga kaisipang mga larawang-diwa at figure of speech sa pagtuturo ng panitikan sa kolij level. Ang mga tula ni Tinio tulad ng mga advertisement ay mayaman sa mga larawang-diwa at mga figure of speech gaya ng irony, metaphor, epigram, personification, pagtatanong, metonymy, simile at pagpapalit-diwa na nagpapalitaw sa iba’t ibang damdamin at kaisipang author.

Sa case study ni Adeyandu (2003) sa “Perception of the Effects and Use of Learning Aids in Teaching” na mahigit siyamnapung porsyento ng mga gurong sinorvey ay sumang-ayon sa positibong epekto ng pagtuturo na ginagamitan ng iba’t ibang mga kagamitan sa pagtuturo. Pinatunayan nilang 1) mas nauunawaan ng mga estudyante ang mga itinuturo kapag ginagamit nila ang mga kagamitang pampagtuturo sa kanila, 2) nag-iimprovize sila ng mga kagamitang pampagtuturo kapag kinakailangan, at 3) gumamit sila ng kagamitang pampagtuturo upang maipaunawa ang iba’t ibang konsepto na nangangailangan ng pagpapaliwanag.

Bumuo ng sanayang-aklat sa Filipino VI si Transona (2002). Tinukoy nya ang mga nilalaman nito upang mapaunlad ang kasanayang pampanitikan ng mga estudyante sa Filipino IV, at ang iba’t ibang strategying ginamit na angkop sa paglinang ng vokabyulari, mga kaugnay na activity at pagpapahalaga sa pagsukat ng natamong kaalaman ng mga estudyante. Tinukoy rin nya ang kaangkupan ng binuong sanayang-aklat sa kyurikulum ayon sa pananaw ng 17 titser sa Filipino na nagsilbing mga juror. Sa pag-aaral na ito, mga banghay-aralin ang binuo.

Kalagayang Pansining

Matapos ilahad ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral, makikita ang kaugnayan nito sa kasalukuyang pag-aaral.

Inaasahang makapagbibigay ng interesting at kakaibang iksperyens sa mga estudyante ang mga pantelebisyong advertisement kung gagamitin sa pagtuturo ng Makabayan 6. Ang paggamit ng mga advertisement sa pagtuturo ay nangangailangan ng masusing pagbabalak at nagpapasya, tungkuling magagampanan lamang ng isang mahusay na titser.
Gumagamit ng wika, karikatura, kulay at tunog ang mga advertisement. Puno ito iba’t ibang diwa, literal at figyurativ, buhat sa napagmasdang dula ng buhay o karanasan ng mga sumulat at bumuo ng advertisement.

Hango rin sa media ang materyal na ginamit sa kasalukuyang pag-aaral at iclinassify rin ito. Ang pagkakaiba ng pag-aaral na ito ay mga pantelebisyong advertisement ang ginamit at ayon kaisipang iklinassify.

Tinalakay sa kasalukuyang pag-aaral ang mga lantad na katotohanan at mga talinghagang nakapaloob sa mga advertisement. Bukod sa mga ito, tinalaky rin ang istilo ng presentasyon ng mga advertisement tulad ng paggamit ng psykology, figure of speech at slang sa mga ito.

Matutugunan ng mga pantelebisyong advertisement ang kakulangan sa kagamitang pampagtuturo upang magsilbing lunsaran sa mga aralin sa Makabayan 6.

Talababa

Virgilio J. Adeyanju, Teachers Perception of the Effects and Use of Learning Aids in Teaching: a Case Study of Winneba Basic and Secondary Schools, Faculty of Education, Institute of Education, Obafemi Awolowo University, Nigeria, 2003
http://ultibase.rmit.edu.au/Articles/nov03/adeyanju1.htm (Binuksan noong April 12, 2007)

Republic Act No. 8293, Intellectual Property Code of the Philippines (Available sa Internet)
http://www.chanrobles.com/legal7copyright.htm (Binuksan noong January 19, 2007)

Lydia S. Liwanag, Phoenix Educational Journal, 1995

Araceli Gabuyo, “Ang Sanayang-Aklat Bilang Kagamitang Pampagtuturo” Panayam sa Pambansang Seminar sa Filipino sa Pagtataguyod ng Kagawaran ng Filipino sa Kolehiyo ng mga Sining at Agham ng Philippine Normal University, 1998

Leopoldo R. Transona, Sanayang-Aklat Pampanitikan sa Filipino IV: Isang Pagsusuri, (Di-Nalathalang Masteral Tesis Ateneo de Naga University, 2002) Naga City

Rosa Maria B. Panambo, Walong Linggong Kurikulum: Ang Bisa Nito sa Kakayahan ng mga Mag-aaral (Di-Nalathalang Masteral Tesis University of Nueva Caceres, 1997) Naga City

Christian George C. Francisco, Ang Papel ng Televisyon sa Pagtuturo ng Walong Dagdag na Letra Ayon sa 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino, De La Salle Unioversity-Dasmariñas, 2006 http://www.ptechs.org/ptechs2006/Presentation/CFrancisco.pdf (Binuksan noong April 12, 2007)

Bienvenido Lumbera, “Dr. Bienvenido Lumbera: Pambansang Alagad ng Sining” Intervyu ng Pinoy Weekly Online kaugnay ng pagkakahirang sa kanya bilang Pambansang Alagad ng Sining, 2005
http://pinoyweekly.org/pw5-25/kult/kult_1.htm (Binuksan noong May 7, 2007)

Roger Thompson, Filipino English and Taglish: Language Switching from Multiple Perspectives, Marketing messages through language switching in television commercials, Amsterdam: John Benjamins, 2003 http://www.clas.ufl.edu/users/rthompso/filipinocommercials.html (Binuksan noong March 30, 2007)

Richard F. Taflinger, Taking ADvantage, Washington State University/Edward R. Murrow School of Communication, 1996 (Bersyon sa internet) http://www.wsu.edu:8080/~taflinge/advant.html (Binuksan noong February 20, 2007)

Jon Gresko at mga kasama, Social Psychological Factors Underlying the Impact of Advertising, Miami University, 1996
http://www.users.muohio.edu/shermarc/p324ads.shtml (Binuksan noong April 2, 2007)

Republic Act No. 8370, Children’s Television Act of 1997

Guillermo Gastello, Comic Strip: Larawan ng Galaw ng Buhay (Di-Nalathalang Masteral Tesis), University of Nueva Caceres, Naga City, 1999

Vivian B. Fortuno, Kagamitang Pampagtuturo at Edukasyong Pagpapahalaga (Di-nalathalang Masteral Tesis), University of Nueva Caceres, Naga City, 1998

Marivic S. Lopez, Pamahayagan: Instrumento sa Pagpapahalaga ng Karapatang Panlipunan (Di-Nalathalang Masteral Tesis), University of Nueva Caceres, Naga City, 2001

Cherfield Metilla at kasama, The Acceptability of a Local Children’s Educational Program in Television, (Unpublished Masteral Thesis), Ateneo de naga University, Naga City, 1996

Lilybeth R. Mallapre, Mga Nobelang Popular: Salamin ng mga Pagpapahalaga (Di-Nalathalang Masteral Tesis University of Nueva Caceres, 2004) Naga City

Eden D. Arenas, Women Characters in Selected Filipino Movies (Unpublished Masteral Thesis), Ateneo de Naga University, Naga City, 1995

Virgilio J. Alcedo, Ibong Mandaragat: Pagsusuri at Pag-uugnay sa Kasalukuyang Panahon (Di-Nalathalang Masteral Tesis), University of Nueva Caceres, Naga City, 1998

Amy A. Alegre, Mga Piling Tula: Isang Pagsusuri at Pagpapahalaga (Di-Nalathalang Masteral Tesis), University of Nueva Caceres, Naga City, 1998
Camaya at mga kasama, The Perceived Effects of Television Advertisments to Decision Making of the Youth in Choosing their Basic Needs in Sta. Teresita, Iriga City (Unpublished AB-Development Communication Thesis), Ateneo de naga University, Naga City, 2004

KABANATA III - Pagsusuri at Interpretasyon

Mga Pantelebisyon Advertisement

Inilalahad sa bahaging ito ang mga nalikom na pantelebisyong advertisement na ipinalabas o ipinalalabas sa primetime sa mga nasyunal na telebisyon ng bansa. I-cl(in)assify ang mga advertisement ayon sa kaisipang kaisipang pangkaasalan, kaisipang pangkabuhayan, kaisipang pangkalusugan at pangkapaligiran. Makikita ang matrix na nagpapakita ng summary ng pagtalakay sa hulihan.

Kaisipang pangkaasalan. Nalikom sa klasipikasyong ito ang limang advertisement na nagsasaad ng kinaugalian at wastong pagkilos sa pakikipag-ugnayan sa kapwa at sa lipunan. Ang mga sumusunod ang kumakatawan sa kaisipang pangkaasalan:

Kering-keri ng Rejoice. Matutunghayan sa advertisement si Kim Chui bilang isang probinsyana na nangangarap na sumali sa isang pakontest sa telebisyon. Sa pamamagitan ng paggamit ng shampoo, kikintab at magiging straight ang kanyang buhok na ikaka-boost ng confidence nya. Sa huli, makakamit ng dalaga ang kanyang pangarap.

Share ng Mc Donald’s. Matutunghayan sa advertisement ang isang ina, sa katauhan ni Sharon Cuneta, sa restaurant ng Mc Donald’s. Maya’t maya nyang nireremind ang anak na naglalaro sa playing area sa restaurant, sa katauhan ni Miel Pangilinan, tunay nyang anak, na ishare sa ibang mga bata ang laruan. Mashoshock ang ina matapos aluking kumain ang anak nang kunin nito ang friend chicken at ishare sa mga kalaro.

Lucky Me Song ng Lucky Me. Matutunghayan sa advertisement ang Little Big Star kids sa isang zoo na kumakanta at sumasayaw ng Lucky Me Song. Hinihimok nila ang kabataan na alukin ang pamilya na magsalu-salo sa pagkain ng produkto.

Vendo ng Fita Biscuits. Matutunghayan sa advertisement ang isang babaeng bumibili ng biskwit sa isang vending machine. Maiinis sya dahil papalya ang dekoryenteng tindahan kaya hindi makukuha ang binili. Mapapadaan ang isang lalaki at tutulungan sya subalit magkakainteres ito sa produkto. Imbes na ibibigay sa dalaga ang biskwet, bibilhin na lang ito sa kanya.

Story Book ng Smart Link. Matutunghayan sa advertisement na ikinukwento ng isang ina sa kanyang anak ang Alamat ng Maalat na Dagat. Ayon sa ina, ang luha ng mga nangungulilang mga mahal sa buhay ang nakakapagpaalat sa dagat. Ang tanong ng anak sa amang seaman gamit ang cellphone, kung bakit maalat pa rin ang dagat.Ang sagot ng ama, sya pa lang ang may cellphone na siniserbisyuhan ng advertizer.

Batang Bonakid ng Bonakid. Matutunghayan sa advertisement ang iba’t ibang batang may pintura sa mukha na puti at blue, mga kulay ng produkto. May nag-aaral, nagbabasketbol, nagmamano at magpepray habang ninanarrate ang: “Ang tunay na batang may tibay, matibay ang katawan at pagkatao kaya patatagin mo syang may tyaga, tiwala sa sarili, galang at takot sa Diyos.” Makikita ang apat na magulang at apat na bata at maririnig ang mga katagang “Kasama ng bawat magulang ang Bonakid sa paghubog ng batang maytibay at batang may laban” bilang pagtatapos.

Do the Flexi Move ng Whispher. Matutunghayan sa advertisement si Kim Chui bilang isang cheerleader na confident na nakakagawa ng iba’t ibang flexi moves tulad ng sa kabila ng pagkakaroon ng period.

Kaisipang pangkapaligiran. Nalikom sa klasipikasyong ito ang limang advertisement na nagsasaad ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapaligiran at pagpapahalaga ng tao sa kalikasan. Ang mga sumusunod ang kumakatawan sa kaisipang pangkapaligiran: Bush, Biyahe Na, Habang Bata Pa, Paru-paru at Healthy Body.

Bush ng Bench Overhauled Jeans. Matutuhayan sa advertisement si Sam Milby bilang isang matipunong lalaking ang tanging suot ay ang pantalong iniendorso. Makukuha ang atensyon ng dadaang mag-lola at pagmamasdan ang naggagarden na lalaki na mapapansin nababasa na ng lawn sprinkler. Tatapusin ang tagpo sa pagsara ng gripo nang patuwad na makikita ang tatak ng pantalon na “b/low” bilang pinaikling Bench para sa “b/” at low-rise jeans para sa “low”.

Biyahe Na ng Smart Telecomunications at Department of Tourism. Matutunghayan sa advertisement ang isang postcard mula sa dalawang advertizer na nag-aanyaya na i-“experience ang speed”, i-“experience ang aksyon” at i-“experience ang excitement” sa iba’t ibang extreme at outdoor sports tulad ng white water rafting, mountain hiking, mountain biking, para-sailing, rock climbing, kayaking, whale shark watching, scuba diving at iba pa. Sa kanta ni Regine, nag-aanyaya siyang bumiyahe at mag-enjoy. Ayon sa lyrics ng kanta, “Makisaya, biyahe tayo. Umaksyon ng todo-todo. Mag-enjoy sa Pilipinas.”

Habang Bata Pa ng Pigrolac Premium Hog Starter Feed. Sa advertisement na ito, matutunghayan ang tatlong malalaman, mabibigat at malulusog na biik na nakakagala, nakakapagtampisaw at nakakakain nang sapat.

Paru-paru ng Surf. Matutunghayan sa advertisement ang isang kumunidad na namamangha sa dami ng mga paru-parung naattract ng mapuputi at preskong sinampay na nilabhan sa produktong ibinebenta.

Healthy Body ng Century Tuna. Matutunghayan sa advertisement ang mga may fit na pangangatawan na nagagawang makapagtanim ng punongkahoy at makipaglaro sa dolphin.

Kaisipang pangkalusugan. Nalikom sa klasipikasyong ito ang limang advertisement na nagsasaad ng pisikal, mental at emosyunal na kondisyon ng tao. Ang mga sumusunod ang kumakatawan sa kaisipang pangkalusugan: Aray (Mang Eduardo), Push-up, Agimat, Matrix at Liver Lover.

Aray (Mang Eduardo) ng Arthro. Matutunghayan sa advertisement ang testimonial ni Mang Eduardo, isang lalaking pinapahirapan ng arthritis. Makikita ang isang reenactment ng panahong inaatake ang matanda ng kanyang rayuma.

Push-up ng Revicon. Matutunghayan sa advertisement ang isang 43 taon gulang na lalaki na may lakas tulad sa kanyang kabataan dahil sa pag-inom ng gamot.

Agimat ng Clusivol Vitamins. Matutunghayan sa advertisement si Vic Sotto na ihinahayag na hindi agimat kundi ang kalusugan ang tunay na panlaban o kapangyahan.

Matrix ng My Marvel Taheebo. Matutunghayan sa advertisement ang isang lalaking nakakaiwas sa usok ng sigarilyo at usok ng kotse nang parang sa pelikulang Matrix hindi tulad sa iba na hindi.

Liver Lover ng Liveraide. Matutunghayan sa advertisement si Edu Manzano sa isang party na ipinapaalaala ang mga maaaring maging bunga ng labis na pag-inom ng alak.

Kaisipang pangkabuhayan. Nalikom sa klasipikasyong ito ang limang advertisement na nagsasaad ng pontensyal ng tao na umunlad at mamahala ng mga bagay na may kaugnayan sa pamumuhay. Ang mga sumusunod ang kumakatawan sa kaisipang pangkabuhayan: Door, Gulat Ka? (Rally), Smart Bro, Kalibre at Ilan?

Door ng Colgate. Matutunghayan sa advertisement ang isang mag-ina na ginagampanan ni Carmina Villaruel at ng kanyang anak na lalaki na nagpipinta ng loob bahay. Maaalaala ng anak ang sinabi ng tito nyang dentista na “nagsisimula ang cavity sa lugar na hindi inabot ng brush” nang itinuro ng ina na nagsisimula ang pagkasira sa hindi naabot ng pintura.

Gulat Ka? (Rally) ng Tide Ultra. Matutunghayan sa advertisement ang isang rally na nagpapahayag ng pagkadismaya sa mahal ng pagpapaputi ng damit. Isang putol ng bareta ang dadaan sa T-shirt ng lalaki na ikakagulat nya at ng mga kasama dahil sa bakas ng kaputiang dulot ng sabon sa di-kaputian na damit ng lalaki.

Smart Bro ng Smart Braadband Internet. Matutunghayan sa advertisement ang mga taong nabebenipisyuhan ng serbisyong inooffer ng advertizer. Makikitang nagiging madali ang access ng mga estudyante sa impormation, nagiging malapit ang magkakapamilyang pinaghiwalay ng bundok at dagat, at nagiging mataas ang kita ng biznis dahil sa makabagong teknolohiya at mahusay na serbisyo.

Kalibre ng Touch Mobile. Matutunghayan sa advertisement ang magdamag na gyera ng texting ng isang naka-TM at isang grupong gumagamit ng ibang serbisyo. Hindi mauubusan ng “bala” ang lalaki kahit na maraming kalaban at abutin ng gabi ang kalaban.

Ilan? ng Buddy Crackers. Matutunghayan sa advertisement ang maaaring maka-enjoy ng isang pakete ng biskwit na ibinebenta gaya ng dalawang basketball teams, anim na magsyota at isang dosenang cheerleaders.

Mga Literal at Figurative na Kahulugan

Inilalahad sa bahaging ito ang makikita at maririnig na mga elemento para sa kahulugang literal at ang ipinaaabot sa nakatago at “nagtatagong” kaisipan para sa kahulugang figurative sa mga advertisement na magagamit sa pagtuturo ng Makabayan 6.

Musika, Sining at Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (MSEP)

“Keri-kering”. Ginagamitan ng jingle ang advertisement na ito ng Rejoice. Inaawit sa tempong adante ang unang bahagi nito:
Sa simula lang mahirap
Matutupad din ang iyong pangarap
Mangarap ka't matutupad
Maniwala ka lang
(kering keri mo to)

habang ang sumunod na bahagi ay accelerando. Maaari itong gamitin sa araling Tempo sa Musika bilang panlinang na gawain. Ipinahihiwatig sa bahaging ito ng kanta ang pagtanggap sa katotohanang bago makamit ang isang pangarap ay may mga hirap na haharapin. Ito naman ay maaaring iintegrate o gamitin sa Edukasyong sa Kagandahang-Asal at Wastong Pag-uugali (EKAWP).

“Bridges”. Makikita sa advertisement na ito ng Globe ang mga blue(ng) ribbon na nagsisilbing tulay ng ama at ng kanyang pamilya at ng iba pang gumagamit ng serbisyo nito. Nararating ng mga ribbon ang mahal sa buhay na nasa ibang parte ng mundo. Makikita dito na nagiging manipis ang ribbon habang papalayo hanggang sa mawala o maging parang tuldok. Ito ay maaaring gamitin sa pagdevelop ng leksyon sa araling Linya at Lawak ng Paningin sa Sining partikular sa pagpapaliwanag ng invisible point o “hinagap na tuldok” at invisible lines o “hinagap na mga guhit”.

“Giants”. Samantala, dito naman, natatanaw at nakakausap ng mga heganteng karakter ang bawat isa kahit na nasa iba’t ibang panig sila ng Pilipinas. Makikitang maliit ang kapatid, mga hagdan ng Banawe Rice Terraces, Chocolate Hills, barkada at ina na nasa itaas na parte ng screen at malaki naman ang mga nasa ibaba. May mga eksana din sa advertisement na makikita ang horizon o tagpuan ng langit at lupa o dagat. Sa parehong aralin, maaaring gamitin ang advertisement na ito ng Globe sa pagpapaliwanag ng horizon o “guhit-tagpuan” at mga bagay sa isang komposisyon.

Ipinahihiwatig sa dalawang advertisement na hindi hadlang sa pagkakaroon ng komunikasyon sa isang relasyon ang layo at oras. Ito naman ay maaaring iintegrate o gamitin sa EKAWP.

“Bush”. Binibigyang atensyon dito ang suot na pantalon ng matipunong karakter na naggagarden na ginagampanan ni Sam Milby. Maaakit ng mistulang nakahubo na walang suot pang-itaas na lalaki ang maglolang dadaan dahil ang ibabang bahagi ng katawan nya ay natatakpan ng halamang tinitrim. Makikitang nakapantalon ang lalaki kapag tumuwad ito upang isara ang loan sprinkler na nakakabasa na sa kanya. Ang mga eksenang nabanggit ay akma sa pagtuturo ng araling Sentro ng Kawilihan sa Sining. Ginagamit sa advertisement ang iba’t ibang pamamaraan sa pagbigay ng sentro ng kawilihan tulad ng paggamit ng kulay na green ng garden upang mapalitaw ang pantalon na color blue at pagfocus dito sa pamamagitan ng pagtuwad. Ipinahihiwatig sa advertisement na tulad sa lalaking nakasuot na pantalon, makukuha ninuman ang atensyon ng iba kung ang tatak ng pantaloon ay tulad ng kay Sam Milby. Ito ay maaaring talayin sa pagtuturo ng Pagtitiwala sa Sarili sa EKAWP.

“Do the Flexi Moves”. Sa advertisement na ito, nagchecheerdance sa tugtog na may kumpas na nakakaindak ang karakter na ginagampanan ni Kim Chui, isang estudyanteng nakakapag-“flexi moves” kahit na may menstruation. Madaling sabayan ang tugtog na binubuo ng introng may anim na bilang at tatlong bahaging may tig-walong bilang. Bilang panimulang gawain sa leksyong Kabuuang Kaangkupang Pisikal sa Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan (EPK), maaaring gamitin ang jingle sa pagwawarm-up. Tulad sa obstacle course na maraming hadlang, itinuturing ng mga kababaihan na isang obstable sa buhay ang pagkakaroon ng menstruation. Ito ay maaaring iintegrate sa EKAWP.

Heograpiya, Kasaysayan at Sibika (HEKASI)

“Gulat Ka? (Rally)”. Isang grupo ng mga hindi nasisiyahan sa mahal ng pagpapaputi ng damit ang makikitang nagrarally sa isang pampublikong lugar sa advertisement na ito. Malaya silang nakakapagtipon-tipon upang ipahayag ang saloobin.

“Reporter”. Dito, makikitang nakakapunta sa iba’t ibang lugar upang kumuha ng balita at nakakapagreport ng mga pangyayari ang pangunahing karakter. Nakakagamit din sya ng cellphone sa komunikasyon upang ihatid ang mga impormasyon sa kabilang linya.

“Boto Mo, Ipatrol Mo”. Samantala, sa advertisement na ito, naipapatrol ng mga kabataang first-time voters ang kanilang obserbasyon at reaksyon sa media gamit ang kanilang cellphones. Makikitang nagtitipon-tipon sila upang makilahok sa paparating na eleksyon.

Ang mga nabanggit na advertisement ay magagamit sa pangwakas na gawain sa araling Mga Karapatan ng Mamamayang Pilipino. Ipinapakita sa nasabing mga advertisement ang ilan sa mga karapatan at kalayaan ng mga mamamayang Pilipino: karapatan sa pagnanalita at pamamahayag, karapatan sa mapayapang pagtitipon at pagpepetisyon, karapatan sa pagiging lihim ng komunikasyon at korespondensya, kalayaan sa paninirahan at paglalakbay, at karapatan sa pagboto. Maaaring iintegrate sa EKAWP o sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) sa araling Pagtitipid ang nilalaman ng mga advertisement.

“Stewardess”. Dito, makikita ang isang grupo ng Overseas Filipino Workers na papunta sa ibang bansa upang maghanapbuhay. Sa loob ng isang taon o mahigit, mahihiwalay sila sa kanilang mga mahal sa buhay.
“Ms. Barangay”. Isang dalagang may ambisyong maging isang beauty queen ang makikitang sasamahan upang suportahan ng kanyang pamilya at ng buong barangay. Mula sa isang rural na bayan, tutungo sila sakay ng barko sa urban na lugar kung saan gaganapin ang kontest.

“Tropa”. Samantalang sa advertisement na ito, matutunghayan ang pagdayo ng magkakabarkada sa isang liblib na lugar upang maki-pista. Gamit ang cellphone bilang komunikasyon, matutuntun nila ang lugar ng kabarkadang pupuntahan.

Ang mga nabanggit na advertisement ay magagamit bilang pangwakas na gawain sa araling Pandarayuhan. Ipinapakita sa nasabing mga advertisement ang ilang factors at katangian ng pandarayuhan: hanapbuhay at edad, at pandarayuhangpanlabas at pandarayuhang panloob.

“Summer Biyahe Tayo”. Makikita dito ang ilang anyong lupa at anyong tubig na bumubuo ng topograpiya ng bansa kabilang ang kabundukan, kweba, kapatagan, mga isla, batis, ilog at dagat. Kung pangangalagaan ang mga likas na yaman tulad ng mga nabanggit, maaaaring pagkunan ng kabuhayan ang mga ito tulad ng turismo. Magagamit ang advertisement sa panimulang gawain sa araling Topograpiya na maiintegrate naman sa araling Pangangasiwa ng Pinagkukunang-Yaman sa EKAWP.

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP)

“Oh No! Monster”. Sa advertisement na ito, matutunghayan ang matalinong pagpapasya ng isang bata sa kanilang play. Natukoy nya ang suliranin na kawalan ng karakter na monster, nakaisip sya ng solusyon para dito, natukoy nya ang pagkukunan nito, nakapagpasya syang gamitin ang monoblock chair, tela at flashlight, nasakatuparan ang ginawang pagpapasya, at napahalagahan nya ang kanyang ginawa. Ito ay maaaring gamitin sa araling Hakbang sa Matalinong Pagpapasya at Pagkamaparaan sa EKAWP.